Life has not always been easy, but I managed to survive. And with that, I am happy.

My name is Iny M. Montallana. I’m 17 years old. I don’t know what my name means but some people relate it to the Chinese words for “I love You” which is Wo Ai Ni. I have an older sister who just recently passed the Nursing Board exam. My Dad is an OFW working in America. My Mom, on the other hand, is a teacher and also a registered nurse. It may sound like the normal family of four, but we are nowhere near the word normal. I don’t mean it in a negative way. I just think normal would really be inappropriate to describe this family that I have. You may say unique, but that would be underrated. Maybe we’re just a contemporary family. Just a little between happy and dysfunctional. 

Read More

"Ever since I joined the team I always had a thing for Matt. We got a long really well, always joking and stuff. And then he started telling everyone on the team that I was like his little sister. Not exactly the words you’d want to hear when you like a guy."
— Tammy, When it Counts (Wong Fu Productions)
I will catch you and I will never let you go again.

I will catch you and I will never let you go again.

Achieve na Achieve. :3

Sabi nila, wag daw tayong makakalimot sa nakaraan kasi yun yung nagdala saatin kung nasaan tayo ngayon. Paulit ulit ko na yang naririnig pero hindi ako nagsasawa kasi ramdam ko yung epekto ng mga bagay na ginawa ko noon sa buhay ko ngayon.

Ang litratong ito ay screenshot ng isa kong blog entry noong June 2011. Sinulat ko siya noon kasi sobrang naexcite ako sa college. Sinulat ko siya noon kasi pakiramdam ko yun yung transition ko sa pagiging bunso ng highschool, tapos bunso naman ng college. (HAHA) Sinulat ko siya noon kasi gusto ko malaman ng mundo na hindi naman ako yung tao na iniisip nila. Akala kasi ng iba ang lakas lakas ko. Sinulat ko siya noon kasi naisip ko kailangan ko mag set ng goals pagcollege na ako para naman maging proud si Mommy at Papa sa akin. At siyempre sinulat ko siya kasi yun yung gusto ko, yun ang hilig ko tapos naeexcite ako mag college. (Nasabi ko na yun, pero oo excited talaga ako noon mag college :D) So ayun, nagsulat naman ako, akala ko dati nobela ang nasulat ko. Pero ngayon na binabasa ko, hindi naman pala ganun kahaba.

Naexcite ako na isulat ‘to kasi sabi ko babalik ako pagkatapos ng first sem pero nakakalungkot kasi hindi ko man lang ito na-share sa mundo (lol, sa readers ko siyempre). Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya naipublish, talagang nasa drafts lang siya. Natabunan ng iba pang mga blog entries na hindi ko na natapos. Pero kanina lang nag basa ako ng mga entries na nasa drafts ko tapos nakita ko ‘to. Nakakaaliw isipin kasi kahit isang taon na nakalipas, yung pagkaexcite ko sa college andun pa rin. Yung pagkaexcite ko sa mga pangarap ko noon andun pa rin. Yung pagkaexcite ko na maging achiever para maging proud sila Papa at Mommy andun pa rin. Tuwang tuwa ako kasi habang binabalikan ko ‘to. Ang dami kong narealize. 

Akala ng tao dati, si Iny masyado pang bata. Siguro sa edad oo, pero hindi yun naging hadlang (Ang lalim ng tagalog ko dito, I know) para naman gawin ko yung mga bagay bagay.

Oops, wag mag expect. Hindi pa rin ako marunong magluto at mapili pa rin ako sa pagkain. :))  Pero ngayon natututo na ako magadjust. Paonte onte nagaaral na ako magluto, natuto na ako mag-hugas ng pinggan, at nakakapaglaba na rin ako ng mga damit. Kusa ko yung ginawa ha. Kasi ng nagbakasyon ang Mommy ko walang ibang gagawa ng gawaing bahay, kaya ako gumawa. Walang kapalit ang mga yun, natuto na talaga ako ng sinasabi nilang “initiative” sa bahay. 

Sabi ko doon sa entry ko, magiipon ako para matuwa ang Papa ko. Kasi yun nga madaming iniisip na problema. Hindi man ako naging masipag sa pag-iipon, proud naman akong nakapag save ako kahit papano this year. Ako kasi ang nagasikaso ng bank account ko tapos atm, ako lang ah. (INITIATIVE ü) Yun ng kinuwento ko yun kay Papa, tuwang tuwa naman siya. Proud siya kasi natututo na ang bunso niya na mag ipon. Nag joke pa nga yun, mangungutang daw siya. :p

Pangarap kong maging Dean’s Lister, pero ng nalaman ko kung paano ang pagkuha ng Dean’s Lister sa CAL (Top10 lang sa BUONG College na, mapa 1st-4th year man) sabi ko malabo na ata na mag DL pa ako. Pangarap ko din yung makakuha ng Uno. Pero hindi ko rin nakuha e. Siguro iisipin niyo, fail na lahat ng isinulat ko noon. Hindi ko naman nakamit yung goal ko na pag DL at Uno. Pero alam niyo nakuha ko? Mas marami pa kesa doon. Naipasok ako College Student Council namin at Peer Counselors’ Organization at doon nakuha ko ang mga aral at experiences na hindi makukuha o matutunan sa simpleng pagturo sa apat na pader ng paaralan. (Lalim)

Sabihin na lang natin na dahil sa CSC namin, madami akong nakilalang tao. Marami akong nagawa na akala ko hindi ko kayang gawin, ex. mag host 2x sa harap ng maraming tao (mas matanda pa saakin karamihan). Dahil rin sa CSC mas nakilala ko ang sarili ko, at naging passionate ako sa leadership and service. Nakilala ko rin ang mga student leaders na kagaya ko sa iba’t ibang college o school dahil sa council. Yung iba nga sa mga nakilala kong student leaders e talagang malaki ang impact sa buhay ko. Nakaka-attend rin ako sa mga seminars sa iba’t ibang lugar dahil sa CSC. Kahit sunod sunod, at nakakapagod, masaya pa rin. Iba kasi ang fulfillment na nakuha ko doon.

Baka mag tanong kayo, o sa PCO man, ano nakuha mo? Stress? Well, oo sa PCO nakuha ko yung stress. Pero doon ko rin nakuha ang mga advice na ibinibigay ko sa mga taong humihingi ng tulong saakin. Natuto ako maging man for others dahil sa PCO kasi kailangan mag malasakit sa iba. Dito ko naapply ang mga leadership skills na nakukuha ko sa CSC. Kahit ako ang pinakabata, ako ang naglead sa org namin. Dahil din sa PCO, nakapunta ako sa Baguio para sa FIRST Nationwide Congress na naattendan ko. Siguro hindi maiintindihan ng iba ang tulong na nagawa ng PCO saakin, pero sinisigurado ko na kaya mas naging wise ako dahil yun sa mga pangaral na nakuha ko sa org na ito.

Pamilya na ang turing ko sa mga kasama ko sa CSC at PCO. At kahit hindi ako nakapagDL o nagka Uno, pakiramdam ko ang dami ko pa ring reward na natanggap lalo na’t sa orgs na iyon ako nag mature talaga ng grabe. Dahil sa mga ‘to mas naging malakas ako, hindi na ako iyakin. Dahil sa mga ‘to mas nakakasulat ako kasi ang dami kong ideas na nakukuha galing sakanila. Dahil sa mga ‘to naka-adjust talaga ako sa college. Lastly, dahil sa mga ‘to nagmature ako, hindi na ako yung tiga baby nila parati. :> 

Matagal ng natapos ang first sem ko pero ngayon ko pa lang ito sinusulat. Siguro eto ang gusto ni God para saakin. Hindi ko man nakuha lahat ng iplinano ko sa buhay ko, nakuha ko naman ang mga bagay na Siya na ang nagplano para saakin. All I wanted was to prove myself to people, pero God made a way na hindi ko ipprove ang sarili ko. Pinakilala niya saakin sarili ko kaya kahit hindi ko na ipilit sa iba, alam kong magiging proud ako. I am proud of what I have become in my first year in college. Sabi ko reward system diba? Ayan tigreward nga ako ni God ng mga  blessings, yung learnings, experiences tapos special people na alam ko maga stay sa buhay ko para mas maging malakas pa ako sa future.

*kung binasa mo ito hanggang sa dulo mahal na kita. Hahaha. Kahit parang ang bakla ng title ko, Go lang. Isa pa kasi yun sa mga natutunan ko ng college. Hahaha. Tapos kahit mahaba, basa ka pa rin, thanks ah. Nobela kasi ito. :)

Pasensiya kung taglish na sa dulo. :>

Good day!

(Source: littlemissinym)

Forgiveness is not a chore, it’s a gift.

Forgiveness is not a chore, it’s a gift.

Nothing will ever compare to the love your family and friends give you.

We can always choose our friends, but not our family. But isn’t it better if you treat your friends like family, and you bond with your family like you’re friends. The perfect combo, and the perfect gift. I will never trade anything for them.

Thank you God for giving me both. Gooodnight. :)